Ang petisyon sa ibaba ay ipapadala sa Administrasyon ni Biden. Ang petisyon na ito ay magiging bahagi ng opisyal na pampublikong rekord sa panukala ng Departamento ng Seguridad ng Sariling Bayan (Department of Homeland Security) na baguhin ang regulasyon sa “public charge”. Kung pipirma ka, makukuha lang ng Administrasyon ang iyong pangalan kapag inilagay mo ito sa ibaba. Hindi ito makakakuha ng anumang karagdagang impormasyon tungkol sa iyo o sa iyong pamilya. | اَلْعَرَبِيَّةُ 汉语 English Français Kreyòl Ayisyen |
한국어 Español Tagalog Tiếng Việt |
Hinihikayat ka namin na mabilis na tapusin ang ipinapanukalang regulasyon sa public charge. Hinihiling namin sa iyo na pagbutihin ang mga proteksyon para sa mga pamilyang imigrante sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga programa sa safety net ay hindi makakaapekto sa mga aplikasyon sa imigrasyon.
Gaya ng ibinalangkas, malaki ang magagawa ng iyong panukala upang maprotektahan ang mga pamilyang imigrante at ang bansa dahil:
Ang mga pamilyang imigrante na tulad ng amin ay nagpapasigla sa ekonomiya. Nagtatrabaho kami sa bawat industriya, kabilang ang pangangalagang pangkalusugan, konstruksiyon, pangangalaga, pagmamanupaktura, serbisyo, at agrikultura. Nagbubukas kami at matagumpay na nagpapatakbo ng mga negosyo sa matataas na rate. Lumilikha kami ng mga trabaho para sa milyon-milyong tao, at nag-aambag kami sa sining, kultura, at pamahalaan. Nagbibigay kami ng mga bagong tradisyon, kaugalian, at pananaw. Kami ay mga mahahalagang manggagawa na tumutulong upang mapanatiling gumagalaw ang ating ekonomiya sa panahon ng pandemya. Higit sa lahat, kami ay mga nanay at tatay, kapatid, katrabaho, kapitbahay, at kaibigan. Tulad ng marami noon pa man, ang aming mga pamilya ay mga pamilyang imigrante. Nalulugmok ang bansang ito kapag nahuhulog kami at nagtagumpay ito kapag umuunlad kami. Upang maprotektahan ang mga pamilyang imigrante at ang bansa, dapat tiyakin ng panghuling regulasyon na ang kasalukuyan o nakaraang paggamit ng mga pederal, pang-estado, at lokal programa sa safety net ay walang epekto sa mga aplikasyon sa imigrasyon. Hinihikayat ka naming gawin ang pagpapahusay na iyon at maglathala ng panghuling regulasyon sa lalong madaling panahon. Salamat sa iyong pamumuno at sa pagsasaalang-alang sa aming mga komento. |